-- Advertisements --

Nakatakdang kasuhan ng Department of Justice (DOJ) ang may-ari ng baril na ginamit sa pamamaril sa paaralan sa Tacloban City noong buwan ng Hunyo.

Ayon sa DOJ, inirekomenda na ng prosecutors office sa Tacloban ang paghahain ng kaso ng reckless imprudence resulting in multiple homicide and physical injuries laban kay Police Staff Sergeant Arla Ray Pacencia ang tiyahin ng suspek.

Ang nasabing kaso ay isasampa sa Family Court ng Tacloban City Regional Trial Court.

Ang nasabing rekomendasyon ay kasunod ng preliminary investigation na isinagawa sa reklamong inihain ng mga magulang at mag-aaral ng San Jose National High School.

Tiwala ang DOJ na mayroong patutunguhan ang nasabing kaso at natitiyak niyang nasusunod ang ikinukumpas ng batas.