Inaalam na rin ng Department of Justice (DoJ) ang mga inilabas na bagong pahayag ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, gusto muna niyang maberipika ang mga pahayag ni Advincula bago siya magbigay ng ano mang komento sa nasabing isyu.

Dagdag ni Guevarra, maglalabas din siya ng pahayag kaugnay sa mga bagong rebelasyon ni Advincula.

Kamakailan lamang nang pinayuhan ng kalihim si Advincula na magtungo na lamang sa National Bureau of Investigation (NBI) kung totoong may basehan ang kanyang mga alegasyon.