-- Advertisements --

Bineperipika pa ng Department of Justice (DOJ) ang mga ulat na pumanaw na ang convicted drug lord na si Jaybee Sebastian at walong iba pa dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay DOJ Sec. Menardo Guevarra, sa ngayon ay nasa proseso sila ng kumpirmasyon kung totoo ang naturang ulat.

Maging ang Bureau of Corrections (BuCor) ay wala pang inilalabas na statement tungkol dito.

Una rito, sinasabing namatay sa loob ng piitan bunsod ng COVID-19 si Sebastian, maging ang iba pang mga convicted criminals na sina Francis Go, Jimmy Yang, Benjamin Marcelo, Zhang Zhu Li, Jimmy Kinsing Hung, Eugene Chua, Ryan Ong, at Amin Boratong.

Si Sebastian ang whistleblower sa sinasabing illegal drug trade sa New Bilibid Prisons na nagsasangkot kay Sen. Leila De Lima noong ito pa ang nakaupong DOJ secretary.