Pinabulaanan ni Usec. Maria Rosario Vergeire ang ulat na nagkaroon ng tanggalan sa mga empleyado ng Department of Health (DOH) kasunod ng anunsyo ng Ombudsman sa imbestigasyon sa ahensya.
Sa isang online media forum nitong umaga, nilinaw din ng opisyal na hindi totoong may mga nag-resign din sa kani-kanilang trabaho dahil sa pagsisiyasat ng anti-graft body.
“Wala kaming nakukuhang impormasyon na ganito. Sa tingin ko wala namang katotohanan ‘yan.”
Tiwala ang opisyal sa suporta ng lahat ng DOH personnel sa hakbang ng pamahalaan kontra COVID-19 pandemic.
Kung may mga nag-resign man na empleyado, ito’y posibleng mga tapos na ang kontrata, o hindi kaya’y may ibang personal na dahilan.
“Ano lang siguro ‘yan, mga ibang tao na nag-resign dahil natapos ang kontrata, o di kaya’y nagkaroon sila ng desisyon para mag-resign for other reasons.”