Wala pang rekomendasyon mula sa Department of Health (DOH) na ibalik ang mandatoryong pagsusuot ng face mask sa gitna ng pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa bansa.
Kung matatandaan, ang Executive Order No. 7 ay inilabas ng Malacanang noong Oktubre 2022, na nagpapahintulot sa optional na paggamit ng face mask sa parehong panloob at panlabas na mga lugar.
Kamakailan, iniulat ng DOH na may na-monitor na pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa ilang bahagi ng bansa.
Ayon sa kagawaran, ang average na pang-araw-araw na kaso ng Pilipinas ay nasa 278.
Gayunpaman, ang mga kaso ay maaari raw umabot ng higit sa 600 bawat araw sa darating na Mayo 15.
Ang DOH ay patuloy na nagpapaalala sa publiko sa individual risk assessment na gumamit ng mga layer ng protection o facemask para sa mga indibidwal at komunidad.
Pinaalalahanan din ang mga Pilipino na magpabakuna at magpalakas ng resistensya upang malabanan ang nakamamatay na virus.