-- Advertisements --

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na pawang mga vulnerable at mga mahihirap ang prayoridad sa rollout ng bakuna kontra COVID-19.

Ginawa ito ng DOH kasunod nang anunsyo ng ilang mga lungsod sa bansa na sila ay nakapag-secure na ng bakuna.

Nauna nang sinabi ng Malacañang na mga frontline health workers, senior citizens, indigent, at uniformed personnel ang mga kasama sa priority groups sa distribusyon ng mga bakuna.

Ilang mga local governmetn units na, kabilang ang Vigan, Caloocan, Makati, Navotas, Pasig ang nauna nang nag-anunsyo na sila ay nakapag-secure na ng ilang libong doses ng bakuna na gawa ng AstraZeneca para sa kanilang mga residente.

Muling sinabi ng DOH na tanging ang mga bakuna na nabigyan ng emergency use authorization mula sa Food and Drugs Administration (FDA) ang siyang bibilhin ng pamahalaan.