Naglatag ng ilang rekomendasyon ang Department of Health (DOH) sa sektor ng health care workers kasabay ng pangakong suporta sa hiling na “time out” sa gitna ng COVID-19 situation sa National Capital Region (NCR).
“We support the call of our frontliners to ensure a science-based approach and stricter implementation of community quarantine measures. We also understand the constraints of our local government units and will be working with them constantly to achieve results that are beneficial to all,” sa isang statement.
Sa ginawang dialogue kasama ang medical community, nangako ang ahensya nang aktibong pangunguna sa implementasyon ng epektibong localized lockdown ng National Task Force; paglalabas ng udpated na stratehiya sa loob ng pitong araw sa pamamagitan nang pakikipag-dayalogo sa stakeholders ng health sector; at oag-kampanya ng time-out sa Inter-Agency Task Force (IATF).
Habang kumikilos ang DOH sa mga nabanggit na pangako, naglatag din ang ahensya ng ilang panukala at plano para sa health care sector.
Una, bubuo raw ang kagawaran ng rapid response team para tumulong sa napupuno nang health system ng NCR. Target ng ahensya na puro trained medical workers ang lalamanin ng grupo.
Titiyakin din umano ng DOH na pati sa mga probinsya ay may sapat ding pool o hanay ng health care workers.
“We are providing hazard pay, accommodations, transport, PPEs, and even psyco-social, emotional, and mental support. Your health — physical and psychological — matters to us, as we do the welfare of your families.”
Simula naman August 3, ipapatupad ng ahensya ang pagpapatupad ng Coordinate Operations to Defeat Epidemic (CODE) na layuning suyurin ang mga komunidad para ipaalala ang mga dapat sundin na minimum health standards.
Sa ilalim nito, may mga magbabahay-bahay para maghanap ng active cases, magte-test ng RT-PCR sa mga may sintomas, at agad pagta-transfer sa kanila sa isolaton facilities o ospital ng mga magpo-positibo.
“It is currently (One Hospital Command) operating 24 hours to responde to triage cases and placing them in appropriate facilities. All of these need to go hand-in-hand.”
Kasabay nito, nanawagan ang Health department sa publiko na agad mag-isolate ang mga may mild symptoms, o magtungo sa temporary treatment and monitoring facilities kung walang kakayahan na mag-home isolate.
Maglalatag din daw ang ahensya ng roadmap at technical assistance para matiyak na hands-on ang local government units sa contact tracing. Iginiit ng DOH na 50,000 contact tracers pa ang kailangan.
Sa usapin naman ng transportasyon, nakipag-usap na ang kagawaran sa concerned agencies at iba’t-ibang grupo para sa magkaroon ng kongkretong polisiya sa bumibiyaheng publiko.
Binigyang diin ng Health department na wala sa kanilang guidelines ang paggamit ng rapid antibody test para sa mga manggagawang balik trabaho.
Payo ng ahensya sa mga kompanyang balik operasyon, mahigpit na ipatupad ang minimum health standard protocols.
“With DOLE, we will support contract tracing in industries we observe clustering of cases, such as: construction, technoparks, and passenger services. We are working closely with DTI and DOLE to issue the updated supplemental guidelines on safe workplaces.”
Nitong Sabado nang magpatawag ng meeting ang IATF matapos silang kalampagin ng ilang grupo ng doktor hinggil sa muling pagsasailalim ng Metro Manila sa mahigpit na community quarantine.
Si Health Sec. Francisco Duque nagpaabot na rin ng pagtanaw sa dinaranas na kalbaryo ng health care workers sa COVID-19 pandemic.










