-- Advertisements --

Aminado ang Department of Health (DOH) na malaking porsyento din ng mga naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na buwan ay galing sa mga umuwing overseas Filipino workers (OFW).

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire mula sa halos 92,967 OFWs na bumalik ng bansa as of June 30, ay 2,326 ang nag-positibo.

“Ayon sa ginawang initial analysis, may mga indikasyon na karamihan ng mga bagong kaso sa mga buwan ng May at Hunyo ay dahil sa mga repatriates, kumpara noong Marso at Abril na karamihan ay health care workers.”

Hindi naman itinanggi ng opisyal na factor din sa mataas na mga bagong kasong sakit mga ang naitala mula sa tinatawag na “hotspots.”

Ito’y bilang tugon sa report ng WHO na Pilipinas ang may pinakamabilis sa pagtaas ng COVID-19 sa Western Pacific region.

“Makikita natin sa trend na kahit dumadami ang kaso ng COVID-19, dumadami rin ang recoveries at kumukonti ang namamatay kumpara sa mga nakaraang buwan.”

“Ang mabilis na pagtaas ng mga kaso ay makikita sa mga hotspots tulad ng Cebu, na maaaring dahil sa high community transmission.”

Ang case doubling time daw sa ngayon ng bansa ay nasa 7.7-days. Gumalaw naman ng bahagya ang critical care utilization rate kung saan umakyat sa 37.26-percent.