Ibinahagi ng Department of Health ang kanilang mga isinasagawang paghahanda para sa posibleng pagputok ng bulkang mayon.
Ayon kay newly appointed Health Secretary Ted Herbosa nakikipag-coordinate na sila sa bicol medical center para sa fast lane para sa mga volcano related emergencies, gaya ng enhaled gasses o burns.
Namahagi na rin daw ang ahensya sa mga evacuation areas ng mga lalagyan ng tubig, hygiene kits, face masks para sa kada pamilya. Dagdag pa niya, nagbigay rin daw sila ng P20,000 halaga ng assorted medicines sa tabacco, albay.
Samantala, sa usapin naman ng nutrisyon, nakipag-ugnayan na rin daw ang ahensya sa mga miyembro ng nutrition cluster team. Pinaaalalahanan niya rin daw ang mga Local Government Units na mag provide ng nutrition services sa panahon ng sakuna.