-- Advertisements --

Pinangunahan ng Department of Health (DOH) ang inagurasyon ng human milk bank sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital, Sta. Cruz Manila.

Magsisilbi itong katuwang ng National Breastfeeding Program ng gobyerno.

Layunin nito na matulungan ang mga bagong panganak sa anumang komplikasyon.

Pinuri naman ng DOH ang naturang hospital, sa kanilang patuloy na pag-aalaga sa mga ina at mga bagong silang na sanggol.

Pinasalamatan ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire ang mga donor, para sa kanilang pagsuporta at tulong sa mga bagong panganak na ina at mga sanggol.

Dinaluhan ito nina DOH Undersecretary Nestor F. Santiago Jr. at Assistant Secretary Dr. Beverly Lorraine Ho ang naturang inagurasyon.