-- Advertisements --

Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Health (DOH) sa naulilang pamilya ni Renz Jayson Perez, ang nurse na namatay dahil sa insidente ng hit-and-run sa Maynila.

Sa isang statement umapela ang ahensya na bigyang proteksyon ang healthcare workers bilang frontliners ng COVID-19 pandemic.

“The DOH joins in mourning the death of Mr. Perez who served his patients bravely and with love, and we extend our deepest condolences to his family, friends, and loved ones.”

Tinawag din ng kagawaran ang pansin ng local government units para sa agarang pagpapatupad ng protected bicycle lanes. Kinikilala kasi ng DOH ang pagbi-bisikleta bilang alternatibong transportasyon sa gitna ng limitado pa ring biyahe ng mga pampublikong sasakyan.

“We also call on LGUs to ensure that traffic and law enforcement proactively ensure the safety of all road users — especially those using light mobility, and that violators are apprehended immediately.”

Ipinaalala ng kagawaran ang binuo nitong Joint Administrative Order kasama ang ilang ahensya para sa ligtas na active transport, kabilang na ang pagbibisikleta.

Pinaalalahanan din ng DOH ang mga motorista na huwag ipagdamot ang lansangan sa mga nagbibisikleta at tumatawid, na mas lapitin sa aksidente.

“They have just as much right to use the road as motorists do. We must all do our part to create roads and communities that are safe and accessible to all.”

Nitong Martes nang matagpuang nakahandusay si Perez sa Ermita, Maynila matapos takbuhan nang nakasagasang pick-up truck. Dead on arrival ang nurse nang dalhin sa Philippine General Hospital.

Kahapon inaresto sa Quezon City ang babae na sinasabing may-ari ng nakabanggang sasakyan.