Inihayag ng Department of Health (DOH) na magpapatuloy ito sa pagbibigay ng monovalent vaccines sa mga kwalipikadong Pilipino sa kabila ng pagbibigay ng emergency use authorization sa bivalent shots laban sa COVID-19.
Kung ikukumpara sa mga monovalent na bakuna na idinisenyo upang labanan ang COVID virus na lumitaw sa Wuhan, China sa huling bahagi ng 2019, ang mga bivalent na bakuna ay nagbibigay ng proteksyon laban sa malalang sakit mula sa dulot ng mga mas bagong variant.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire magiging additional protection ang bakuna na ito lalo na sa mga nakakatanda at mga vulnerables.
Inaasahang ilalabas ng Department of Health sa mga susunod na araw ang rekomendasyon at guidelines para sa priority population.
Dagdag dito, pinag-aaralan pa ng ahensya kung ang bivalent vaccines ay maibibigay sa pangkalahatang populasyon ng ating bansa.
Una na rito, 27 porsiyento lamang ng karapat-dapat na populasyon o humigit-kumulang 21.1 milyong Pilipino ang nakatanggap ng kanilang unang booster dose laban sa COVID-19.










