-- Advertisements --

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi pa maituturing na surge ang naitalang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa buong bansa.

Paliwanag ni Health Undersecretary Ma Rosario Vergeire, na masasbing may surge kung may biglaang pagtaas sa mga bialng ng kaso ng COVID-19.

Aniya, base sa trend ng kaso, tuluy-tuloy ang pagtaas ng mga kaso bagamat mabagal ang pagtaas ng COVI cases ay kaialngan pa ring maging maingat.

Ayon kay USec. Vergeire, umaabot sa 350 ang covid19 infections kada araw ang naitatala nationwide na 50 hanggang 60% ang iniakyat nito mula sa nakaliaps na linggo.

Halos lahat ng health facilities sa bansa ay mayroong admissions ng mas mababa sa 20% capacity bagamat mahigpit na minomonitor ng DOH ang pagtaas ng bilang ng hospital utilization sa ilang mga lugar sa Metro Manila, Calabarzon maging sa Caraga Administrative Region.

Ipinaliwanag din ni Vergeire na ang panibagong pagtaas ng Covid19 infections ay marahil dahil sa presensiya ng highhly transmissible Omicron subvariants na nadetect sa Pilipinas gayundin ang pagtaas ng mobility at humihinang immunity sa general populati