-- Advertisements --

Mariing pinabulaanan ng Department of Health (DOH) ang kumakalat sa social media na mayroon nang bagong COVID-19 variant sa Metro Manila.

Paglilinaw ng DOH at ng Philippine Genome Center (PGC) na hanggang kahapon, Enero 11, 2021, ay wala pang na-detect na UK variant, o anumang bagong variant ng SARS-COV-2 sa mga positive samples na kanilang sinuri.

Kasabay nito ay binigyan diin ng DOH na sila ng PGC ay nagtutulungan para mas higpitan pa ang kanilang on-going biosurveillance efforts.

Nananawagan naman din ang kagawaran sa publiko na iwasan ang pagpapakalat ng mga unverified information dahil wala itong ibang maidudulot na kundi panic at kalituhan lamang.

Gayunman, kahit mayroon o wala mang na-detect na bagong variant, muling nanawagan ang DOH sa publiko na sundin pa rin ang umiiral na minimum public health standards.

Ito pa rin kasi anila maituturing bilang “best defense” kontra COVID-19.