Nakahanda na ang Department of Health – Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) para sa pagdiriwang ng pista ng poong itim na Nazareno sa Lungsod ng Maynila.
Sinabi ni DOH-MMCHD Regional Director Gloria Balboa na may mga ipinakalat na silang mga Health Emergency Response Teams sa paligid ng Quirino Grandstand.
Galing aniya ang mga ito sa iba’t-ibang pagamutan sa Metro Manila na aaalalay sa mga debotong magtutungo.
Kasama aniya nila ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office at Disaster Risk Reduction Management in Health na maglalagay ng mga medical stations.
Lahat aniya ng mga pagamutan sa National Capital Region ay naka-alerto para sa pagtanggap ng mga pasyente na kailangan ng medical attention.
Pinayuhan din ni Dr. Balboa ang mga dadalo na magsuot pa rin sila ng facemask at pinayuhan ang mga may sintomas ng COVID-19 na huwag ng dumalo para hindi na sila makahawa pa.