-- Advertisements --
Inanunsyo ng Department of Health na nakapagtala sila ng 18 kaso ng JN.1 variant ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa DOH, ang mga kaso ay nakita sa pamamagitan ng genome sequencing na may pinakamaagang nakolektang sample noong November 16 at ang pinaka bago naman ay noong December 3.
Ipinaliwanag ng DOH na ang variant ay classified bilang “of interest” dahil kailangan pa itong masusing obserbahan at pag-aralan ng mga epidemiologist at researcher sa buong mundo.
Dahil dito, nanawagan ang DOH sa publiko na gumamit ng multiple layers ng proteksyon — kabilang ang paggamit ng mga face mask, pagtiyak ng maayos na daloy ng hangin at sapat na bentilasyon, pagtatakip ng bibig kapag umuubo, pagbabakuna — lalo na sa ating mga high risk at vulnerable groups.