Tinawag ng Department of Health (DOH) ang pansin ng mga ospital kaugnay ng pagtanggap sa mga pasyente sa gitna ng COVID-19 crisis.
Nabatid ng DOH ang ulat tungkol sa ilang pasyente na namatay nang hindi nabibigyan ng karampatang health service matapos umanong tanggihan ng mga ospital.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire may mandato ang mga ospital sa ilalim ng nilagdaang Anti-Hospital Deposit Law ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“Ayon po sa batas ba ito, lahat ng ospital,pribado man o pampubliko, ay bawal ipagkait ang emergency treatment services sa isang pasyente.”
“Ang mga pampublikong ospital ay hindi dapat humihingi ng deposito, samantalang ang pribadong ospital ay dapat munang bigyan ng emergency treatment ang isang pasyente bago ito i-refer sa pampublikong ospital kung kinakailangan.”
Nagsampa ng reklamo sa National Bureau of Investigation kamakailan ang pamilya ni Josefina Barroz, na pumanaw sa loob ng ambulansya, matapos umanong tanggihan ng walong ospital.
Ang magsasakang si Ladislao Cabling naman mula Nueva Ecija ay namatay din dahil hindi tinanggap sa anim na ospital na kanilang pinuntahan.
“Kung kayo po ay nakakaranas o makakaranas ng anumang paglaban ng ganitong sitwasyon,
ipagbigay alam po lamang sa Kagawaran. Tumawag po sa aming hotline na (02) 894-COVID o
sa 1555 para sa lahat ng ating subscribers,” ani Usec. Vergeire.