-- Advertisements --
DoH Usec. Vergeire

Nagbabala ang Department of Health sa publiko laban sa umanoy kumakalat na mga maling impormasyon sa internet na ginagamit ang pangalan at larawan ni Health USec. Ma. Rosario Vergeire.

Ayon sa pamunuan ng DOH, ginagamit ang pangalan ng opisyal at ipinapakilala bilang isang German Cardiologist, na nag-eendorso ng mga gamot na umano’y mabisa laban sa mga cardiovascular disease o sakit sa puso.

Ayon sa DOH, walang katotohanan ang mga nasabing artikulo na kumakalat sa internet.

Hindi rin kumakatawan sa posisyon ng Kagawaran ng Kalusugan ang nilalaman ng mga artikulong ito.

Maliban dito, hindi rin umano nagbigay ng otorisasyon si Usec Vergeire para gamitin ang kaniyang pangalan at larawan.

Paalala ng Kagawaran, huwag basta paniwalaan ang mga artikulong lumalabas sa internet na gumagamit sa mga pangalan at larawan ng mga opisyal nito; bagkus, sumangguni lamang sa kanilang opisina, at sa mga lehitimong eksperto sa kalusugan.