Muling pinaalalahanan ng Department of Health(DOH) ang publiko na iwasan na ang pagdadala ng mga bata sa mga sementeryo para maiwasan ang ibat ibang mga injury at mga sakit na hatid ng pagsisiksikan at pagkukumpulan.
Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, madalas na dinadala ang mga bata sa mga ganitong okasyon, ngunit hindi aniya ito advisable dahil sa maaaring makakuha ang mga bata ng ibat ibang mga sakit.
Maliban dito, maaari din aniya silang makakuha ng ibat ibang mga sakit, dahil sa maging sila ay nakikipagkumpulan sa napakaraming mga tao.
Ayon kay Dr. Herbosa, mababa ang resistensya ng mga bata, kayat mas mabilis silang kapitan ng mga sakit at anumang mga nakaambang impeksyon.
Nauuso rin aniya ang mga tinatawag na influenza-like illness dahil sa mga pag-ulan at mga malamig na panahon, at ito ay isa sa mga maaaring maka-apekto sa mga ito.
Pinaalalahanan din ng DOH ang publiko laban sa pagbili ng mga pagkain at mga inumin sa mga ambulant vendors, lalo na ang mga nagbebenta na nakabukas lamang ang kanilang mga paninda.
Ayon sa kalihim, maaaring kontaminado ang mga naturnag paninda, at makaka-kompromiso sa kalusugan ng mga konsyumer.