-- Advertisements --

May 16 na ospital pa raw ang magpapalista ng kanilang COVID-19 patients na sasailalim sa malawakang clinical trial ng World Health Organization (WHO) dito sa bansa.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, may 40 pasyente na mula sa walong ospital ang nagpa-enroll sa WHO solidarity trial.

“Aantabayanan po natin ang resulta ng WHO Solidarity Trial bago natin baguhin ang rekomendasyon sa paggamit ng remdesivir at iba pang investigational therapies para sa COVID-19,” ani Vergeire.

Noong April 17 nang aprubahan ng Single Joint Research Ethics Board ang pagsali ng Pilipinas sa naturang clinical trial ng WHO sa apat na uri ng gamot.

Target ng pag-aaral na maghanap ng posibleng epektibong gamot laban sa virus na nagdudulot ng COVID-19.

Kabilang sa mga gagamiting gamot sa trial ay ang remdesivir, lopinavir-ritonavir, lopinavir-ritonavir plus interferon beta and chloroquine.

Bukod sa Pilipinas, higit 100 bansa na rin ang kasali sa naturang solidarity trial.