-- Advertisements --

Kinumpirma ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire ang anunsyo ng Malacanang na ang bagong talagang si Usec. Leopoldo Vega ang point person para sa critical care utilization rate ng bansa COVID-19.

Ayon kay Usec. Vergeire, hinihintay pa nila ang ilalabas na department personnel order para sa opisyal na pagsisimula ni Vega sa tungkulin.

“(A) policy issuance to make official the designation,” ani Vergeire sa isang mensaheng pinadala sa media.

Kapag nai-release na ang sinasabing dokumento, magsisilbing incident commander sa Metro Manila hospitals daw si Vega.

Nitong araw nang ianunsyo ni Presidential spokesperson Harry Roque sa press briefing ng Palasyo na sakop ng trabaho ni Vega ang pagtukoy sa hospital care at kapasidad ng mga pagamutan sa kanilang critical care facilities.

Kung maaalala, in-appoint ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vega noong nakaraang buwan bilang bagong undersecretary ng DOH.

Nilinaw naman ni Vega, na dating chief ng Southern Philippines Medical Center, na ang kanyang appointment ay walang kinalaman sa mga panawagang magbitiw sa pwesto si DOH Sec. Francisco Duque.