Isasailalim sa stress debriefing at makakatanggap ng iba pang mga suporta mula sa Department of Health ang mga Pilipino na marerepatriate sa gitna ng giyera sa Israel.
Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, nangako siya kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) administrator Arnell Ignacio na magbibigay ang ahensiya ng mental health at healthcare assistance para sa mga Pilipino na apekatdo ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Israel at militanteng grupong Hamas.
Sinabi din ng kalihim na kadalasang nagsasagawa ang mga propsyunal ng stress debriefing partikular na sa mga OFws na dumarating sa PH na nakaranas ng major disaster o krisis sa ibang bansa.
Aniya, aalamin muna nila kung kailangan ng pasyente ng medication o patuloy na psychosocial therapy na mahalaga at unang hakbang naagawin bago isailalim ang mga ito sa stress debriefing.