-- Advertisements --

Inilabas na ng Department of Health (DOH) ang guidelines para sa nationwide rollout ng second boosters sa mga indibidwal na may edad 50 pataas at 18 hanggang 49 taon na mayroong comorbidities.

Ayon sa DOH na inilabas nila ang nasabing guidelines base na rin sa expansion ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA) at sa rekomendasyon na rin ng Health Technology Assesment Council.

DOH2

Tanging mga COVID-19 vaccines na gawa ng Pfizer at Moderna ang maaaring gamitin at ito ay dapat mayroong intervals ng hanggang apat na buwan mula sa ikatlong dose o sa unang boosters.

Hindi na kailangan na rin magdala ng medical certificate dahil may mga doctors at screeners na rin ang titingin sa mga nais na magpabakuna.
Magugunitang inilunsad ng DOH ang “PinasLakas” vaccination campaign para mapataas ang bilang ng mga mamamayan na naturukan na ng booster shots ng COVID-19.