Pumalo na sa 3,422 ang bilang ng health care workers na tinamaan ng COVID-1, ayon sa Department of Health (DOH).
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, as of June 29, isa ang nasa kritikal na kondisyon at 2,514 na ang gumaling.
Dahil paso na ang implementasyon ng Bayanihan to Heal as One Act, sinisikap daw ng ahensya ngayon na mabigyan pa rin ng benepisyo ang health workers na tinamaan at mamamatay sa sakit.
“Hindi tayo makakapagpatuloy kung walang basis of law because maglalabas tayo ng pera from the national government. We need basis whenever we do that,” ayon sa opisyal.
“Hanggang hindi nakakapagpalabas uli ng another law for such para maging basis natin, mahihirapan kaming mapakaglabas ng amount.”
Nitong Miyerkules nang kumpirmahin ng opisyal na may ika-34 nang healthworker na namatay sa COVID-19.









