Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko, lalo na ang mga nagpupunta sa matataong lugar, matapos mag-viral ang isang online post hinggil sa nagtipon-tipong mga nag-ehersisyo nitong umaga sa CCP Complex, Pasay City.
“High density and populous places should be avoided by the public to prevent the transmission of COVID-19.”
Hinimok ng DOH ang publiko na manatili sa kanilang mga bahay at limitahan ang pagpunta sa labas o sa mga pampublikong lugar.
“The COVID-19 virus does not take a day off. The risk of contracting the virus remains real.”
Binigyang diin ng ahensya ang kahalagahan ng pagsunod sa physical distancing protocols, paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face masks at pag-iwas sa matataong lugar.
“The fight against COVID-19 entails the cooperation of everyone.”










