Umabot sa 2,178 ang kabuuang bilang ng mga bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas ngayong araw.
Ayon sa Department of Health, pumalo na sa 509,887 ang total number ng mga COVID-19 cases sa bansa.
Sinasabing ang bilang ng mga bagong kaso ngayong araw ang pinakamataas mula noong Nobyembre 8 ng nakalipas na taon, kung kailan nagtala ang Pilipinas ng 2,438 na bagong cases.
Nanguna ngayong araw ang Quezon City sa may pinakamaraming newly-confirmed COVID-19 cases na may 146.
Sumunod naman ang Bulacan na may 88, Cebu City na may 80, Davao City na may 79, at Mountain Province na may 75.
Dalawampung bagong namatay naman ang na-record ng DOH ngayong araw, kaya nasa 10,136 na ang death toll.
Tumaas naman sa 467,720 ang recoveries makaraang madagdagan ng 250.