Kung si Health Sec. Francisco Duque III daw ang tatanungin aabot sa P74-bilyon ang kulang na pondo para sa implementasyon ng ipinasang Universal Health Care Law sa susunod na taon.

Sa isang panayam sinabi ni Duque na hindi sapat ang P21-bilyon na inaasahang makukuha ng ahensya mula sa government-controlled gaming operations at charity sweepstakes.

Kailangan daw kasi nitong mapunan ang aabot sa halos P1-trilyong pondong kailangan para sa implementasyon ng batas.

Kamakailan nang pangunahan ng DOH ang pagpirma sa implementing rules and regulations ng batas na naglalayong palakasin ang health facilities sa mababang lebe gaya ng mga barangay.

Nasa probisyon din ng UHC Law na magkaroon ng komprehensibong health service ng bansa na madaling maaabot ng publiko.