-- Advertisements --

Sa gitna ng nararanasang epekto ng El Niño phenomenon sa bansa, binabantayan ngayon ng Department of Health (DOH) ang mga naitalang kaso ng kontaminasyon ng tubig, food-borne at vector-borne illnesses sa iba’t ibang mga rehiyon sa bansa

Sa datos ng DOH sa El Niño-related health events noong Enero 2024, nakapagtala ng 469 kaso ng kontaminadong sources ng tubig sa Cordillera Administrative Region, Region 11 at 4A.

Nasa 59 kaso naman ng food-borne illnesses ang naitala sa NCR, Region 10 at BARMM at 137 cases naman sa vecor-borne diseases gaya ng dengue at chikungunya sa Region 10 at 4B.

Ayon kay Health ASec. Albert Domingo, hindi naman nakakaalarma sa ngayon ang nasabing bilang sa kabuuan subalit ang kasalukuyan aniya nilang binabantayan ang mga dinapuan ng nasabing sakit at ilan sa mga ito ay kasaukuyang nagpapagaling na o nakarekober na.

Ang magandang balita naman aniya ay walang napaulat na kaso ng heat stroke sa bansa. Kayat payo ng health official na iwasang magbilad sa araw, magsuot ng light-colored na damit at iwasang magsuot ng masisikip, hangga’t maaari din ay umino ng 8 baso ng tubig kada araw para mantiling hydrated.