-- Advertisements --

MANILA – Muling nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng lagpas sa 2,000 bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19, matapos ang 19 na araw na higit sa 1,000 cases lang na new cases.

Ngayong araw ng Biyernes, December 18, pumalo na sa 456,562 ang total ng coronavirus cases sa Pilipinas matapos madagdagan ng 2,122.

Hindi pa raw kasali rito ang datos ng apat na laboratoryong hindi nakapagpasa ng report kahapon, araw ng Huwebes.

QC quezon COVID residents test swab Quarantine

“4 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS) on December 17, 2020.”

Batay sa record ng DOH, noong November 29 nang huli silang mag-report ng higit sa 2,000 new cases, na umabot noon sa 2,076.

Ang Quezon City pa rin ang nangunguna sa lugar na may pinakamataas na bagong kaso ng sakit, na aabot sa 160. Sumunod ang Rizal na may 105; Bulacan (91); Makati City (83); at Davao City (79).

Mula sa total cases, 27,021 pa ang nagpapagaling o active cases.

Nadagdagan naman ng 778 ang total recoveries, na ngayon ay nasa 420,666 na. Habang ang total deaths ay sumirit pa sa 8,875 dahil sa 25 na bagong namatay dahil sa COVID-19.

“7 duplicates were removed from the total case count. Of these, 5 were recovered cases. Moreover, 9 cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths.”