-- Advertisements --

Pinaalalahanan ngayon ng Department of Health (DOH-7) ang publiko maging responsableng netizen at magbahagi lamang ng beripikadong impormasyon upang maiwasan ang kalituhan at panic.

Naglabas ang DOH-7 ng naturang pahayag kasunod ng mga kumakalat na impormasyon na may pasyente pa umanong naka-admit sa pagamutan nitong lungsod ng Cebu.

Itinanggi ng health department ang alegasyon at nilinaw na nananatiling walang kumpirmadong kaso ng monkeypox ang Central Visayas maging suspected o probable case man na naka-admit.

Gayunpaman, hinimok ng ahensiya ang publiko na manatiling mapagbantay at sundin ang minimum public health standards gaya ng physical distancing, pag-iwas sa maraming tao at pakikisalamuha sa mga taong may sakit, regular na paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig at alcohol based hand sanitizer.

Tiniyak naman ng ahensya na pinaigting na ang kanilang surveillance activity para sa monkeypox noong Mayo at nakapagpadala na ng mga sample ng mga hinihinalang kaso at lumabas naman na negatibo.

DOH-7 statement:
“Upon validation with the DOH CVCHD RESU, there are no cases of monkeypox either as suspect or probable case admitted in the mentioned facility. Central Visayas remains to have no confirmed case of monkeypox. However, the continued presence of COVID-19 and the current threat of monkeypox should remind everyone to be extra vigilant by strictly following recommended preventive measures for monkeypox and COVID-19 such as physical distancing, avoiding large crowds and close contacts with sick persons, regular handwashing with soap and water and alcohol based hand sanitizers. We also remind everyone to be responsible citizens online and share only verified information to avoid confusion and panic. Thank you and stay safe everyone.”