Nasa halos 70 laboratoryo na ang nago-operate bilang testing facility para sa COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH).
Batay sa ulat ng DOH, limang laboratoryo ang bagong sinertipikahan para maging testing facility kaya may 69 nang accredited laboratories ang estado.
Binubuo ito ng 50 laboratoryo para sa RT-PCR o swab test, at 19 na GeneXpert laboratories.
Kabilang sa mga bagong nilisensyahang laboratoryo ang: San Miguel Foundation Testing Laboratory, Qualimed Hospital Sta. Rosa, at Prime Care Alpha COVID-19 Testing Laboratory.
Sa GeneXpert testing naman, naaprubahan ang pasilidad sa National Kidney and Transplant Institute at Sta. Ana Hospital.
May 166 pa raw na ibang laboratoryo ang nasa proseso ng accreditation. Ang 89-percent sa mga ito ay nasa Stage 3 at pataas na ng proseso.
Batay sa huling datos ng DOH, nasa 7.91-percent ang positivity rate ng buong bansa. Ito yung porsyento ng mga nagpo-positibo mula sa kabuuang bilang nang sumailalim sa test.










