-- Advertisements --
MANILA – Sa unang araw ng 2021, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,765 na mga bagong kaso ng coronavirus diseases (COVID-19).
Batay sa report ng DOH, walong laboratoryo ang bigong makapag-submit ng kanilang mga datos sa huling araw ng 2020, kaya ang total cases ay umabot sa 475,820.
Balik sa Davao City ang pwesto bilang may pinakamataas na bilang ng mga bagong tinamaan ng sakit sa 100. Sumunod ang Rizal province (99), Cavite (71), Quezon City (70), at Maynila (69).
Nasa higit 26,600 pa ang active cases o mga nagpapagaling.
Samantala, nadagdagan naman ng 106 ang recoveries, kaya ang total ng mga gumaling ay nasa 439,895 na.
Apat naman ang bagong napaulat na namatay. Nasa 9,248 na ang total COVID-19 deaths ng Pilipinas.