-- Advertisements --

Umakyat pa sa 72,269 ang total ng COVID-19 cases sa bansa matapos makapagtala ang Department of Health ng 1,594 na bilang ng mga bagong tinamaan ng sakit

Ayon sa DOH, 78 lang mula sa 89 na laboratoryo sa bansa ang nagsumite ng report.

Pinakaraming naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa NCR, Cebu, Zamboanga del Sur, Negros Occidental at Rizal.

Mula sa total ng confirmed cases, may 46,803 pang active cases na nagpapagaling.

Ang total ng recoveries naman ay nasa 23,623 dahi sa 342 na bagong gumaling.

Samantalang anim na bagong death cases ang nadagdag, na nagpataas pa sa death toll na 1,843.

Aabot sa 89 duplicates daw ang tinanggal ng DOH sa total case count dahil sa patuloy na paglilinis at validation ng ahensya sa mga datos.