-- Advertisements --

Matapos ang dalawang araw, pumalo muli sa higit 1,000 ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, ayo sa data ng Department of Health (DOH).

Batay sa case bulletin ng ahensya, nasa 1,006 ang numero ng new confirmed cases. Kaya naman umakyat na sa 34,073 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng sakit sa bansa.

Mula sa mga bagong kaso, pinakamarami ang “fresh cases” o mga kaso ng sakit na lumabas ang resulta at na-validate sa nakalipas na tatlong araw, na pumalo sa 788.

Nasa 218 naman ang “late cases” o mga kaso ng sakit na lumabas ang resulta sa nakalipas na apat na araw pero ngayon lang na-validate.

Ang recoveries ay nasa 9,182 na dahil sa 274 na bagong gumaling.

Habang 12 ang bagong naitalang namatay kaya ang total deaths ay nasa 1,224 na.

Mula sa 12 bagong death cases, 10 ang namatay sa pagitan ng mga petsang June 5 hanggang 21.

May dalawa namang duplicates, na unang isinama sa total recoveries, ang tinanggal sa total case count.