-- Advertisements --
Nakatanggap ng impormasyon ang Department of Finance hinggil sa iilang scammers sa isang massaging platform na tinatawag na Telegram.
Batay sa ulat ng naturang kagawaran, ang mga scammer ay nagpapanggap na empleyado ng Department of Finance at nag aalok ang mga ito ng iba’t ibang serbisyo at transaksyon para maningil ng bayad.
Binigyang diin ng DOF na wala silang empleyado na may awtoridad na magbigay transaksyon sa labas ng opisyal na saklaw ng kagawaran.
Paalala ng kagawaran sa publiko, mag ingat at makipag-ugnayan sakanilang tanggpan para sa anumang uri ng transakson.