
Todo ng paghimok ng Department of Energy (DOE) sa publiko na ugaliin ang energy efficiency o tamang pagkonsumo ng kuryente kasabay ng pagsisikap ng ahensya na mapigilan ang power interruption sa kasagsagan ng summer season.
Hinihikayat din ni DOE Undersecretary Wimpy Fuentebella ang mga consumer na maging efficient sa paggamit ng cooling systems gaya ng air conditioning units at electric fans lalo na sa gitna ng mainit na panahon na nararanasan sa malaking bahagi ng bansa.
Gayundin hinikayat ng Inter-Agency Energy Efficiency and Conservation Committee ang mga ahensya ng gobyerno para i-adopt ang 4-day work day at skeletal work arrangements na makakatulong para makatipid ng hanggang 50% ng suplay ng kuryente na ginagamit sa mga opisina.
Inanunsyo din ng DOE official ang ia-adopt ng ahensiya ang Interruptible Load Program (ILP) sakaling maging manipis ang reserba ng kuryente sa critical levels.
Pinagbawalan na rin niya ng mga power plant sa bansa sa pagpapatupad ng scheduling preventive maintenance shutdowns sa ikalawang quarter ng taon alinsunod sa polisiya ng DOE.










