Idinulog ni Basilan Representative Mujiv Hataman kay Energy Secretary Raphael Lotilla ang malawakang problema sa power supply sa nasabing probinsya.
Pangunahin dito ang lumalalang power outages sa nasabing lalawigan kung saan mas matagal pa ang mga nararanasang power interruptions kumpara sa mga oras na mayroong kuryente.
Ayon sa Kongresista, kailangan nang matugunan ang nasabing problema dahil sa labis nang nakakaapekto ito sa serbisyo ng mga government offices, mga negosyo, at sa kabuhayan ng mga residente.
Matapos ang pulong, nagpasalamat naman si Hataman sa naging tugon ni Secretary Lotilla, matapos umanong mangako ang kalihim ng maaaring solusyon dito.
Panawagan nito sa mga kapwa mambabatas na imbestigahan na ang nangyayaring power crisis hindi lamang sa nasabing probinsya, kungdi maging sa buong Mindanao at iba pang bahagi ng bansa, dahil sa matagal na panahon na aniyang pinoproblema ito ng mga konsyumer.