Umaasa ang Department of Energy (DOE) na makukumpleto na pagsapit ng 2030 ang ipinapatayong mga natural gas power plants.
Ito ay binubuo ng 11,248 megawatts ng natural gas na kinabibilangan ng pitong liquefied natural gas terminals.
Ayon sa DOE, inaasahan kasing ang mga nasabing planta ay makakatulong upang masuportahan ang kasalukuyang pangangailangan ng mga power generating companies.
Kinabibilangan ito ng mga plantang isinasapinal nang maipatayo sa Batangas, Quezon Province, Bataan, at iba pang bahagi ng Luzon.
Ayon sa DOE, nakapag-isyu na rin ito ngayong taon, ng permit para sa apat na malalaking kumpanya sa bansa para sa pagpapatayo ng mga liquefied natural gas terminals.
Isa ay una nang nakumpleto nitong nakalipas na buwan ng Mayo, isa ang inaasahang makukumpleto sa buwan ng Setyembre, at isa ang inaasahang matatapos sa buwan ng Disyembre ng kasalukuyang taon.
Ang isa pang nalalabi ay target na matapos pagsapit ng Disyembre ng taong 2025.