MANILA – Inatasan na ng Department of Energy (DOE) ang lahat ng power distribution utilities (DUs) na tiyaking may sapat na reserba ng kuryente ang bansa kapag nagsimula nang rumolyo ang COVID-19 vaccines.

Sa isang advisory, pinaalalahanan ni Sec. Alfonso Cusi ang DUs na siguruhing may stable na electric power supply ang mga vaccine cold storage at healthcare facilities.

Ito ay sa pamamagitan daw ng paghahanda ng back-up generator sets and distribution system reconfiguration.

“We have to make sure that there is a continuous supply of electricity services. The DOE has been strategizing on how to pre-empt possible issues and concerns that may arise during the rollout,” ani Cusi.

Pinatitiyak rin ng kalihim sa DUs na updated ang kanilang mga emergency response protocols at business continuity plans sakaling magkaroon ng power outages.

-- Advertisement --

“Ensure enough contracted capacities for energy to address possible increase in demand requirements,” nakasaad sa DOE Advisory.

Nais ni Cusi na palakasin ng power distribution utilities ang kanilang “vegetation management programs” para maibsan ang banta ng power interruption.

“Provide necessary support for COVID-19 vaccine cold storage facilities, and healtcare facilities installing their own back-up supply, among others.”