
Pinawi ng Department of Energy (DOE) ang pangamba ng publiko na walang inaasahang rotational brownout sa panahon ng tag-init.
Ayon kay Energy Undersecretary Rowena Cristina Guevarra, tinatayang sapat ang suplay ng kuryente para sa dry season sa kabila ng manipis na reserba.
Subalit posible lamang na ilagay sa ilalim ng yellow alerts ang Luzon at Visayas o ang manipis na reseba base sa suplay at demand sa kuryente.
Ayon pa kay Guevarra na mayroong sapat na contingency reserves subalit posibleng bahagyang magmahal ang presyo ng kuryente sakaling magkaaberya ang isa sa mga generator at kakailanganing kumuha ng suplay mula sa iba na gumagamit ng langis.
Saad pa ng DOE official na nakipag-ugnayan na sila sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para matiyak na walang mangyayaring maintenance shutdown sa summer season.










