-- Advertisements --

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Department of Energy (DOE) sa mga kawatan na gumagamit ng pangalan ng kanilang opisyal .

Sinabi ni DOE Undersecretary Felix William Fuentebella na may nakarating na ulat sa kaniyang opisina na ginagamit ang kaniyang pangalan at nanghihingi ng pera.

Sa nakasaad na mensahe ay kailangan umano ang pera para sa mga gaganaping feeding program ng ahensiya na mariing pinabulaanan naman ni Fuentebella.

Nanawagan ito sa publiko na sakaling makatanggap ng nasabing mensahe ay isumbong ito sa mga otoridad.