-- Advertisements --

Itinutulak muli ngayon ng Department of Energy (DOE) ang pagpapatuloy ng oil exploration activities sa West Philippine Sea (WPS), ayon sa Malacañang.

Sa isang virtual press briefing ay sinabi ni Acting Presidential Spokesperson Martin Andanar na muling naghain ng rekonsiderasyon ang DOE sa Cabinet Security, Justice and Peace Coordinating Cluster ukol dito.

Ayon daw kasi sa kagawaran, lehitimong aktibidad daw kasi ang kanilang ginagawang geophysical survey sa naturang pinag-aagawang lugar sa ilalim ng international law.

Samantala, ipinahayag naman ni Andanar na hanggang ngayon ay wala pa ring nagiging tugon ang kabinete ukol dito.

Kung maaalala ay ipinagpaliban ng SJPCC ang naturang oil exploration activities sa West Philippine Sea sa kadahilanang posibleng maging implikasyon nito sa pambansang seguridad ng bansa.