Ipinagmalaki ng Department of Defense (DND) sa pamumuno ni Sec. Delfin Lorenzana ang mga naging accomplishments ng ahensiya sa taong 2017 kung saan nasa 11 mga malalaking proyekto ang kanilang nakumpleto.

Ilan sa mga significant accomplishments ng “One Defense Team” ay ang tinatawag na building total defense force capability sa ilalim ng modernization projects ng AFP na naglalayong palakasin at magkaroon ng credible national defense.

Nasa 11 proyekto ang natapos sa ilalim ng RA 7898 o AFP Modernization Program habang tatlong proyekto ang nakumpleto sa ilalim ng RA 10349 o ang Revised AFP Modernization Program.

Napag-alaman na ang mga nasabing proyekto para sa Philippine Army ay ang Force Protection Equipment, 155-mm howitzer (with ammunition), 40-mm grenade launcher, rocket launcher light (with ammunition) at M-113 armored vehicles acquisition projects.

Sa Philippine Navy (PN) naman, apat na proyekto ang nakumpleto: ang 7.62mm sniper rifle, LARSU firepower upgrade, Strategic Sealift Vessel and 155-mm Howitzer (with ammunition) acquisition projects.

Habang dalawang proyekto naman ang nakumpleto sa AFP General Headquarters: ang First Forward Medics at ang Force Protection Equipment para sa AFP.

Sa Joint Special Operations Group (JSOG) sa ilalim ng Revised AFP Modernization Program, ang Night Fighting System na may ABC na nagkakahalaga ng P1.12-billion ay nai-deliver na sa Army at ang Multi-Purpose Attack Craft project na may ABC na nagkakahalaga ng P270-million ay nakumpleto na para sa PN.

Sa Philippine Air Force naman ay ang 12 FA-50 Fighter Attack Aircrafts na binili sa South Korea.