Hinimok ngayon ni Department of National Defense Secretary and Task Force El Nino chair Gilberto Teodoro Jr. ang Department of Trade and Industry na mas paigtingin pa ang pagmo-monitor sa presyo at supply ng mga bilihin sa bansa.
Ito ay upang tiyak na mapoproteksyunan ang mga mamimili laban sa mga mapansamantalang loob lalo na ngayong El Nino phenomenon.
Paliwanag ni Sec. Teodoro, kinakailangang mabantayan ng maigi ang mga possible fluctuation ng mga presyo at supply ng basic goods sa mga merkado partikular na sa mga lugar na lubhang apektado ng El Nino phenomenon bilang pagtugon sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Aniya, bahaghi ito ng pagsusumikap ng Task Force El Nino na labanan ang anumang uri manipulation sa basic goods and commodities sa bansa.
Matatandaan na una nang tiniyak ng DTI sa publiko na pinag-aaralan nitong mabuti ang pagpapatupad ng price adjustments, gayundin ang pagpapanitili nito sa minimum at affordable na halaga sa mga merkado para sa mga mamimili.