-- Advertisements --

Pinag-aaralan na ng Department of National Defense (DND) kung paano mapalakas ang cybersecurity ng bansa.

Sinabi ni DND Secretary Gilberto Teodoro Jr na magsisimula muna sila sa umpisa at magsasagawa ng malalimang pag-analisa.

Mahalaga ang paglalagay ng tamang hardware, software, protocols, architecture at hygiene para mapalakas ang cybersecurity.

Isa rin sa mahalaga ang patuloy na pakikipagtulungan sa ibang bansa para sa pagpapalakas ng cybersecurity ng bansa.