-- Advertisements --
Mainit na tinanggap ng Department of National Defense (DND) ang pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr kay Secretary Carlito Galvez Jr bilang bagong kalihim ng kagarawan.
Ayon kay DND Spokesperson Arsenio Andolong, na tiwala sila na magagampanan ni Galvez ng tama ang nasabing posisyon nito.
Mayroon kasi itong malawak na karanasan noong nagsilbi siya bilang ika-50 Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines.
Magugunitang nagbitiw si DND Officer in Charge Undersecretary Jose Faustino Jr na tinanggap naman ng pangulo.