-- Advertisements --

Hinamon ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. ang China na ilatag ang sovereignty claim nito sa arbitration.

Ginawa ng kalihim ang pahayag matapos na pagbantaan ng China ang PH na maghanda sa lahat ng posibleng consequences sa gitna ng mga aksiyon umano ng mga barko ng PH sa West PH Sea.

Anyon pa sa Defense chief, kung talagang hindi natatakot ang china na ihayga sa buong mundo ang kanilang claim, bakit hindi mag-arbitrate sa ilalim ng international law para maipaliwanag sa lahat akung ano ang kanilang karapatan kaugnay sa naturang isyu.

Nanindigan din si Sec. Teodoro na ang China ang patuloy na nanghihimasok sa territorial waters ng ating bansa.

Ang pahayag din na ito ng PH official ay kasunod ng panibagong panghaharass ng china coast guard sa resupply boat ng PH na matinding ikinapinsala nito at ikinasugat ng 3 Navy personnel habang nagsasagawa ng regular rotation at resupply mission sa Ayungin shoal noong araw ng Sabado.