-- Advertisements --
image 54

Isang ‘work in progress’ pa lamang ang estado ng Overseas Filipino Workers hospital sa probinsya ng Pampanga.

Ito ang naging kasagutan ni Department of Migrant Workers Usec. Hans Leo Cacdac sa naging pahayag ni Sen. Raffy Tulfo na mistulang ‘ghost town’ ang nasabing ospital na unang ipinatayo para sa mga OFWs na nagbabalik sa bansa, kasama na ang kanilang mga kapamilya.

Sa likod ng ‘work in progress’ na ito, ibinida naman ni Cacdac ang pagiging epektibo ng nasabing ospital para sa mga umuuwing OFWs na kinakailangang magpakonsulta.

Mula kasi noong May 1, 2022, kung kailan ito unang itinatag ng pamahalaan, hanggang sa kasalukuyan ay nasa mahigit 13,000 OFWs na ang naserbisyuhan nito, kasama ang kani-kanilang mga pamilya.

Marami rin aniya ang mga pasilidad at pagbabago na nakatakdang ilagay pa sa nasabing ospital, upang lalo pang mapagbuti ang serbisyo nito, para sa mga OFWs.

Kasama na dito ang pagsasapinal sa mga plantilla position at procurement sa iba pang hospital supplies.