-- Advertisements --

Pinuri ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac ang mga overseas Filipino workers ngayong ika-122 araw ng paggawa.

Sinabi nito na ang mga OFW ay siyang may malaking kontribusyon sa ekonomiya ng bansa.

Hindi rin aniya matatawaran ang kanilang sakripisyo na malayo sa pamilya para makapagtrabaho.

Pagtitiyak nito na may mga programa at tulong na inilaan ang DMW sa mga OFW.