-- Advertisements --
image 458

Inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) na magpapatuloy ito sa pag-follow up sa settlement ng hindi pa nababayarang sahod ng mahigit 10,000 overseas Filipino workers (OFWs) sa Saudi Arabia.

Sinabi ni DMW OIC Hans Leo Cacdac na umaasa sila na ang pagbabayad ng mga claim ay gagawin sa lalong madaling panahon.

Aniya, sa pakikipag-usap sa mga opisyal sa Saudi, napag-alaman ng DMW na ang Ministry of Finance ay kasalukuyan nang inaasikaso ang mga claims ng OFW.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiniyak sa kanya ng Kingdom of Saudi Arabia na pinoproseso na ang settlement sa hindi nababayarang sahod ng mga OFW.

Nangako ang Saudi Crown Prince na si Mohammed bin Salman noong Nobyembre 2022 na maglalaan ng humigit-kumulang 2 billion riyals para sa hindi pa nababayarang sahod ng humigit-kumulang 10,000 overseas Filipino.

Matatandaan sinabi ng DMW noong Marso na magbibigay ito ng P10,000 na ayuda sa bawat manggagawang naghihintay na tuparin ng gobyerno ng Saudi ang pangako nito na bayaran ang kanilang mga sahod.

Nangako ang Saudi Crown Prince na si Mohammed bin Salman noong Nobyembre